-- Advertisements --

CEBU – Makakaasa ang mga residente ng Mandaue City sa mas murang presyo ng maiinom na tubig dahil ang unang desalination plant sa Metro Cebu ay itatayo sa lungsod.

Ang lungsod ng Mandaue sa pamumuno ni Mayor Jonas Cortes, ALV Water Solution Corporation, at Tubig Pilipinas Group Incorporated ay pumirma ng joint venture agreement sa Mandaue City noong Huwebes, Marso 17, 2021.

Magtatatag ang mga kumpanya ng water desalination plant at wastewater facility sa lote ng lungsod sa Green Learning Park sa Barangay Umapad.

Pinaupahan nila ang 4.4 ektarya na lote sa loob ng 35 taon.

Kapag natapos na ito, una itong magsisilbi sa 8 barangay ng syudad na kinabibilangan ng Centro, Alang-Alang, Umapad, Cambaro, Looc, Opao, at iba pa.

Ang venture ay naglalayon na magbigay ng walang hadlang na pag-access sa ligtas at maiinom na tubig para sa mga hindi naseserbisyuhan na mga residente ng Mandaue City.

Ang desalination plant at wastewater facility ay target na makumpleto sa loob ng tatlong taon. -BJR