-- Advertisements --
331215825 936629901035580 3361860495387251859 n

Pinayuhan ng Office of Civil Defense (OCD) ang mga residente ng Masbate partikular na sa mga lugar na apektado ng lindol, na manatiling alerto sa patuloy na aftershock sa lugar.

Ayon kay Office of Civil Defense Assistant Secretary Raffy Alejandro, posible pang lumala ang pinsala sa mga istrakturang nagkaroon ng bitak sa patuloy na nararanasang aftershocks.

Sinuspinde naman ng pamahalaan ang pasok sa mga paaralan at tanggapan sa lugar ito ay para mainspeksiyon muna ang mga gusali at masigurong ligtas parin ang mga ito.

Ayon pa kay Alejandro, “very minor” lang ang mga iniulat na pinsala tulad ng mga hairline crack sa Masbate Provincial Hospital, at pagguho ng bahagi ng kisame sa Magallanes Coliseum.

Nagpapatuloy naman aniya sa ngayon ang damage assesment sa lalawigan.