-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Bagaman bumaba na ang naitalang aftershocks ng tatlong magkakasunod na lindol sa probinsya ng Cotabato pinayuhan ng Philvocs ang publiko na huwag maging kampante.

Mahigit 2,000 na mga aftershocks habang siyam na put isa dito ang naramdaman.

Ito mismo ang kinumpirma ni Philvocs Kidapawan field officer Milo Tabigue.

Dahil sa pagbaba ng bilang ng mga aftershocks ay pwede na din magpatayo ng mga bahay ang mga bakwit sa lindol ngunit pinayuhan sila ni Tabigue na gumamit muna ng light materials o kahoy bilang pansamantalang tirahan.

Ang limang faultlines ng Cotabato Fault system ang Makilala- Malungon ang pinakamalaki na may habang 65 kilometro.

Ang naturang fault system ay kayang mag generate ng magnitue 7.2 at Intensity 8 na lindol na maituturing the big one ng Rehiyon 12.