Tiniyak ng pamahalaang lokal ng Quezon City na makakatanggap pa rin ng tulong pinansiyal ang mga residente ng Quezon City na hindi kasama sa national government’s enhanced community quarantine (ECQ) financial assistance.
Ito ay sa pamamagitan ng one-time P2,000 cash aid sa ilalim ng revived Kalingang QC program.
Ito ay batay sa inilabas na Executive Order No. 19 S-2021 ni Mayor Joy Belmonte na bibigyang ng financial assistance ang mga QC residents na nawalan ng trabaho at hanapbuhay na hindi nakasama sa ayuda na ibinigay ng national government.
Nilinaw naman ni Belmonte ang mga indibidwal na entitled makakatanggap ng ayuda ay ‘yong walang natanggap na sahod, mga self-employed individuals at mga indibidwal na hindi pinapayagan mag trabaho sa panahon ng ECQ.
Ang mga eligible applicants ay maaari lamang magsumite ng application forms kasama ang ilang documentary requirements sa kani-kanilang mga barangays.
Inatasan ng alkalde ang Social Services Development Department (SSDD), Barangay Community Relations Department (BCRD), Public Employment Services Office (PESO) at Business Permits and Licensing Department (BPLD) ang magpatupad sa nasabing executive order.
Ang Barangay Community Relations Division ang siyang mag-consolidate sa lahat ng mga applications at ang SSDD, PESO at BPLD ang siyang mag-screen at mag-verify sa mga application.
Lahat ng mga approved applicants ay ino-notify ng SSDD.