CENTRAL MINDANAO-Nagsilikas ang mga sibilyan sa pag-atake ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa isang Cafgu Detachment sa South Upi Maguindanao.
Umaabot sa 258 pamilya ang nag-alsabalutan patungo sa mga ligtas na lugar sa takot na maipit sa gulo.
Dalawang Sitio at isang Purok sa Brgy Kuya South Upi Maguindanao ang apektado ng gulo.
Dalawang Sitio ang apektado ngayon ng tension kabilang ang Sitio Manguda, Sitio Geti, Seley at Purok 2 Lovers ng nasabing barangay.
Kabilang sa mga nakikitang problema ng mga bakwit ay pagkain, trapal at mga kagamitan sa pagluluto.
Umapela naman si Neticio Datuwata tumatayong tagapagsalita ng Timuay Justice and Governance (TJG) South Upi sa pamunuan ng Ministry of Indigenous Peoples Affairs o MIPA-BARMM na tulungan sila sa kanilang sitwasyon.
Posibling madagdagan pa ang bilang ng mga nagsilikas na sibilyan dahil nasa paligid lang umano ang mga armadong grupo sa mga nabanggit na lugar.