-- Advertisements --
Ipinag-utos ng mga otoridad ng Ukraine ang pagpapalikas sa mga pangunahing lungsod ng Donbas region.
Ito ay dahil sa patuloy ang ginagawang pananakop ng puwersa ng Russia sa silangang bahagi ng bansa.
Ayon sa mga opisyal ng Ukraine na lahat ng mga pamilya na naninirahan sa Pokrovsk at mga kalapit na lugar ay dapat na lumikas na.
Mayroong silang hanggang dalawang linggo na lumikas bago dumating ang puwersa ng Russia.
Nagbunsod ang evacuation order kahit na ipinagmalaki ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na kanilang nasasakop ang Kursk region ng Russia.