-- Advertisements --

Nanawagan ang libu-libong mga residente ng Valencia sa Espanya na magbitiw na sa pwesto si Valencia Regional leader Carlos Mazon matapos ang naging matinding pagbaha sa lugar na nagresulta sa pagkasawi ng nasa mahigit 200 indibidwal.

Ito ay matapos mabigong magpadala ng mga abiso ang mga otoridad sa mga residente tungkol sa maaaring maging epekto ng bagyo sa naturang lugar ilang oras bago mag-umpisa ang matinding pagtaas ng tubig noong Oktubre 29.

Samantala, sa kabila ng mga naging protesta laban kay Mazon ay nagpahayag ito na uunahin munang magsagawa ng clearing operations at search and rescue operations para sa mga indibidwal na patuloy pa ring nawawala hanggang sa ngayon.

Dagdag pa ni Mazon, nirerespeto umano niya ang naging martsa ng kaniyang mga nasasakupan at sinabing darating umano ang oras na mananagot ang mga opisyal na nagkulang sa kaniyang bayan.