-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Hinikayat ni Senator Panfilo Lacson ang lokal na pamahalaan ng Baguio City na mas lalo pang higpitan ang mga programa para sa proteksyon ng mga punongkahoy sa lungsod lalo na ang mga pine trees.
Nagbigay ng reaksyon ang senador kasunod ng sinasadyang pagpatay sa 45 na pine trees sa isang pribadong lote sa lungod noong Hulyo ng kasalukuyang taon.
Sinabi niya na nakipag-ugnayan ito kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong para sa mas maayos na pag-aalaga sa mga pine trees na isa sa mga pangunahing pagkakakilanlan sa lungsod.
Aniya, maglalaan ang pamahalaan ng malaking pondo para sa National Greening Program.
Sinabi ni Lacson na sa pamamagitan ng programa ay matitiyak ang maayos na pag-aala sa mga punongkahoy sa bansa.