-- Advertisements --
image 154

Isang residenteng nakatira sa danger zone ng bulkang Mayon ang nagkarga ng mga gamit sa isang tricycle sa mass evacuation sa Daraga, lalawigan ng Albay nitong Linggo. Isinailalim sa state of calamity ang lalawigan ng Albay dahil sa banta ng pagputok ng Bulkang Mayon. Inilikas na ng tanggapan ng Civil Defense ang 2,638 pamilya sa mga bayan ng Camalig, Ligao City, Daraga, Guinobatan, Malilipot at Tabaco City.