-- Advertisements --
Nagpatupad na ng sapilitang paglilikas sa mga residenteng malapit sa Ruang Volcano sa Indonesia.
Kasunod ito sa pag-alburoto ng bulkan na nagbuga ng lava, bato at mga abu sa mga nagdaang araw.
Mahigit 800 katao na rin na naninirahan malapit sa probinsiya ng North Sulawesi ang pinalikas na.
Dahil sa makapal na pagbuga ng abu at lava ay napilitan ang mga otoridad sa Indonesia na ipasara ang ilang paliparan sa lugar.
Kinordonan na ng mga otoridad ng lugar para walang makalapit na mga residente.
Kasabay din nito ay nagtaas sila ng tsunami warning para hindi maulit ang nangyari noong 1871 ng sumabog ang nasabing bulkan na ikinasawi ng mahigit 400 katao matapos ang naganap na tsunami.