-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Nagimbal ang halos lahat ng mga residente ng Australia matapos na niyanig ng magnitude 5.8 na lindol.

Sa panayam ng Bombo Radyo GenSan kay Abigael Declaro Ignacio, Bombo International Correspondent sa Doncaster City Victoria Australia na first time na naramdaman sa Australia ang katulad na malakas na pagyanig sa loob ng maraming taong lumipas.

Ayon rito, halos isang buwan na ang lockdown sa Melbourne at ilang bahagi ng Sydney kayat tahimik ang paligid dahil halos lahat ng mga tao ang nasa kani-kanilang bahay.

Sinabi ni Ignacio na malapit sa Chatel Street, Windsor ay may maraming buildings ang nagkaroon ng danyos kung saan nahulog ang mga bricks at ang may mga bitak ang mga kalsada kayat kaagad na inilikas ang mga residente sa lugar.

Sa ngayon ay wala pang iniulat na sugatan o casualties sa nangyaring lindol.

Ang lindol ay tumama sa Australi kaninang alas 7:15 ng umaga.

Umabot ang naramdamang lindol hanggang sa Sydney, Dubbo, at Launceston kung saan 700 kilometers ang layo mula sa Victoria Australia.

Nalaman na mayroong 35,000 mga bahay ang nawalan rin ng kuryente ngunit kaagad naman itong naibalik.