-- Advertisements --
BACOLOD CITY — Kinumpirma ng Civil-Military operations ng Philippine Army na tatlo hanggang apat na mga engkwentro ang nangyari kahapon sa gitna ng South West Front ng New People’s Army at 15th Infantry Battalion sa Barangay Caningay, bayan ng Candoni.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay 2nd Lt. Weann Sandag, sinabi nito na tinatayang 30 hanggang 40 pinaniniwalaang mga rebelde ang nakaengkwentro ng mga sundalo.
May posibilidad aniya na nasugatan ang mga NPA dahil may nakita silang blood stains sa lugar ngunit hindi pa matukoy kung ilan ang mga ito.
Wala namang may nasugatan sa panig ng pamahalaan.
Lumikas naman ang mga residente at tumuloy muna sa kanilang mga kamag-anak.
Sa ngayo nagpapatuloy pa ang clearing operations ng mga militar sa lugar.