Ipinag-utos na lumikas na ang mga residente mula sa 2,500 barangay sa hilagang rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley at Cordillera habang papalapit ang bagyong Nika sa hilagang parte ng Pilipinas.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government Sec. Jonvic Remulla, ang lupa sa naturang nga lugar ay napaka-saturated na ngayon o malambot at napakataas aniya ang panganib ng landslide o pagguho ng lupa.
Kaugnay nito, nagpreposisyon na ang militar at pulisya ng hindi bababa sa 14 na sasakyang panghimpapawid para sa pag-rescue at transportasyon ng pagkain sa mga lugar na maaaring ma-isolate.
Ayon pa sa kalihim, sinuspinde na rin ang mga biyahe sa dagat at nagsimula nang magpakawala ng tubig ang mga dam upang maiwasan ang pagbaha.
Sa ngayon, nasa halos 700,000 katao ang nakasilong pa rin sa mga evacuation center o nakikitira sa kanilang kamag-anak matapos na wasakin ng 3 nagdaang mga bagyo ang kanilang mga bahay. Nag-iwan ang 3 bagyo ng 159 katao na nasawi.