-- Advertisements --
Pinayuhan ng Afghan military ang mga residente ng Lashkar Gah na lumikas dahil sa tumitinding opensiba laban sa mga Taliban militants.
Ayon kay General Sami Sadat, ang namumuno sa paglaban sa Taliban sa Helmand na agad na lumikas na.
Umaabot na sa 40 sibilyan ang nasawi matapos madamay sa labanan sa Lashkar Gah.
Sinasabi kasing sinakop na ng Taliban ang malaking bahagi ng nasabing lungsod.
Dagdag nito na para sa kapakanan ng mga tao ang nasabing pagpalikas kaya mahalaga na sumunod na lamang sila.