-- Advertisements --

Sa kabila ng paglobo ng covid cases sa Brazil, patuloy pa rin ang pagbuhos ng mga beach goers sa kadahilanang pumapangalawa ang bansa sa may pinakamaraming nadapuan ng virus sa buong mundo.

Sa panayam ng Star FM Baguio kay Bombo International Correspondent Daffofil Abancio, Filipino sa Rio De Janeiro Brazil, Ikuwenento nito nang magsimula nang paunti-unting tanggalin ang lockdown sa bansa ay dinumog ang mga beaches lalong-lalo na sa araw ng linggo na kung saan ay biglaang lumobo ang kaso sa Brazil na nasa higit isang milyon.

“May mga tao na po na talagang pumupunta sa beach. The time when the lockdown na inuuplift na, yun na talagang dagsaan ang mga tao sa beach.

After that, it was the time na talagang nag soar high yung COVID-19 ngayon, nasa 50,000 na ang bilang ng mga namatay dahil nga sa marami nang lumalabas”

Sa ngayon ay ikinababahala ng World Health Organization na baka mas maraming mga uncounted cases kaysa sa confirmed cases sa Brazil matapos ang paglobo sa isang isang milyong kaso sa bansa.