-- Advertisements --

Maraming residente ng Cameron Peak sa estado ng Colorado sa US ang pinalikas dahil sa nararanasang wildfire.

Umaabot na kasi sa mahigit 80,000 hektaryang kabundukan ang nasusunog.

Patuloy pa rin ang ginagawang pag-apula ng mga bumbero sa nasabing sunog.

Nahigitan ng nasabing sunog ang nakaraang wildfire nitong taon lamang na mayroong mahigit 50,000 hektarya ang laki.