-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Ikinagalak ng Department of Health-Cordillera ang unti-unting pagbaba ng bilang ng mga indibidwal na natatakot sa epekto ng coronavirus disease 2019 (COVID 19).

Ayon kay Dr. Amelita Pangilinan, Regional Director ng DOH-Cordillera, naobserbahan ng opisina na hindi na gaanong marami ang gumagamit ng facemask, di tulad sa mga nakaraang araw.

Ikinatuwa din ng opisyal ang pagtaas ng temperatura sa lungsod ng Baguio, dahil aniya, makatutulong ito para maiwasan ang pagkalat ng virus.

Tiniyak nito na walang dapat ipangamba ang mga mamamayan dahil unti-unti nang humuhupa ang sitwasyon kaugnay ng COVID 19.

Sa kabila nito, hiniling ng opisyal sa publiko na ipagpatuloy ang pagsunod sa mga payo ng mga awtoridad para maiwasan ang nakamamatay na sakit.