-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Nagpapatuloy ang paghahanda ng mga residente at mga ahensiya ng pamahalaan sa Cordillera Administrarive Region sa panahon ng mga kalimidad.
Kahapon ay nakiisa ang mga stakeholders ng Cordillera sa isinagawang Second Quarter Nationwide Earthquake Drill.
Ayon kay Cyr Bagayao, tagapagsalita ng Office of Civil Defense -Cordillera, nagsilbing pilot area ng Cordillera ang Bontoc, Mountain Province.
Nagtitiwala ang opisyal na sa pamamagitan ng mga earthquake drill ay maituturo sa mga residente ang dapat gawin kapag may lindol.
Kaugnay nito ay hinikayat ni Bagayao ang mga residente ng Cordillera na magsagawa ng sarili nilang drill para sa panahon ng emerhensiya.