-- Advertisements --
DAVAO CITY – Mahigpit na binabantayan ngayon ng Office of Civil Defense (OCD-XI) ang mga low lying area sa rehiyon, dahil sa patuloy na pag ulan na epekto ng shearline at low pressure area.
Ayon kay OCD XI spokesperson Karl Puerto, nakabantay ngayon ang OCD at LGU sa posibleng epekto ng sama ng panahon sa rehiyon.
Sa katunayan ay iilang lugar sa Davao De Oro ang binaha. Nagpatupad na rin ng preemptive evacuation ang otoridad sa Barangay Magsaysay, Nabunturan.
Sa ngayon, naka standby na ang mga responders sa mga local disaster offices, LGUs at personahe ng General Disaster Risk Reduction Management Council (GDRRMC).
Paalala naman ng OCD XI sa mga residente na laging maging alerto at sumunod sa abiso ng LGUs.