-- Advertisements --

VIGAN CITY – Nakaalerto pa rin ngayon ang mga residente sa Illinois dahil sa banta pa rin ng tornado sa Amerika sa mga susunod na araw ayon sa kanilang weather forecast.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Bombo International Correspondent Engr. Kenneth Reyes sa Chicago, Illinois, bumubuti na ngayon ang panahon sa northern part ng kanilang estado kumpara sa southern at central na ikinasira ng isang Amazon warehouse at ikinasawi ng ilang mga tao.

December 10 aniya ay nakatanggap na sila ng severe weather alert warning sa pagtama ng malakas na tornado sa kanilang lugar.

Nasa tamang oras naman umano ang kanilang gobyerno sa pagbabala sa mga residente upang makapaghanda o makapag-evacuate sila nang mas maaga.

Aabot na sa mahigit pitumpo ang nasawi sa estado ng Kentucky at pinangangambahang madadagdagan pa ito sa mga susunod na araw.