-- Advertisements --

VIGAN CITY – Mahigpit na binabantayan umano ng mga kinauukulan ang galaw ng mga residente sa Florida kasunod ng homecoming ni dating US President Donald Trump.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Staff Sgt. Adrian Patting, dating miyembro ng US Military Air Force, gusto umanong iwasan ng mga Florida officials ang nangyaring protesta kasabay ng pananatili ni Trump sa West Palm Beach sa nasabing estado.

Aniya, marami ang sumubaybay sa homecoming ni Trump dahil isa ang estado ng Florida kung saan dominante ang dating presidente ngunit marami pa rin naman ang kontra sa kanya.

Maliban diyan, wala nang nasunod na curfew sa Florida dahil payapa naman umano ang sitwasyon ngayon sa nasabing estado.