VIGAN CITY – Hindi umano ikinababahala ng mga residente sa France ang pagkamatay ng isang pasyenteng Chinese national dahil sa COVID- 19.
Sa report sa Bombo Radyo Vigan ni Bombo international correspondent kay Ruby Amay na taga-Salindeg, Vigan City ngunit nagtatrabaho bilang isang overseas Filipino worker sa France, sinabi nito na halos hindi umano nagbago ang pakikitungo ng mga French nationals sa mga Chinese nationals sa nasabing bansa.
Aniya, hindi rin umano uso sa France ang pagsusuot ng face masks hindi kagaya rito sa bansa na nauuso ang pagsuot nito dahil sa takot na mahawaan ng nasabing sakit.
Idinagdag nito na ang mga taong gumagamit lamang umano ng face mask ay ang mga galing sa ospital.
Samantala, bagama’t karamihan sa mga naninirahan sa France ay hindi nababahala sa pagdami ng kaso ng nasabing virus maging sa pagkamatay ng isang pasyente, mayroon umanong mga Pinoy doon na iniiwasan na ang pakikisalamuha sa mga Chinese.