-- Advertisements --
Inilikas na ang ilang milyong residente ng India dahil sa nakatakdang pag-landfall ng malakas na bagyo sa silangang bahagi ng bansa.
Unang tumama kasi sa Orissa State ang cyclone Yaas na itinaas sa kategoryang “very severe cyclonic storm”.
Ayon sa weather department ng bansa na mayroong lakas na 140 kilometers per hour ang bagyo na may pagbugso ng 155 kph.
Ito na ang pangalawang bagyo na tumama sa bansa dahil noong nakaraang linggo ay tumama ang cyclone Taukta na ikinasawi ng mahigit 150 katao.