Nakatutok ngayon ang lokal na pamahalaan sa lungsod ng Kidapawan sa isang Barangay na doble ang pagtaas sa mga nagpositibo sa Coronavirus Disease (Covid 19).
Pagala-gala ang mga residente ng Barangay Sibawan at ilang sa kanila ang nagsabi ng hindi totoo ang Covid.
Bago lang natapos ang granular lockdown sa Barangay Sibawan at nagsagawa ng 24/7 na pagbabantay ang pulisya at mga tauhan ng Barangay Peacekeeping Action Team.
Nagsagawa rin ng map-out ang tanggapan ng Kidapawan City Disaster Risk Reduction and Management office upang malaman kung saam partikular ang lokasyon ng mga nagpositibo sa COVID-19 infections.
Sinabi ni CDRRM Officer Psalmer Bernalte, ito ay upang mairekomenda na hindi ang buong barangay ang isasailalim sa lockdown sa loob ng labing-apat na araw at ifocus na lamang sa lugar kung saan galing ang mga confirmed positive patients.
Kaugnay nito, sa lahat ng mga nakasalamuha ng mga kumpirmado sa sakit ay dapat ipagpatuloy pa rin ang kanilang self-monitoring at kaagad na magreport sa BHERT at CESU upang mabigyan ng agarang aksyon at hindi na maging malala ang sitwasyon sa barangay Sibawan.
Ipinaliwanag rin ng mga Frontliners at mga kawani ng City Health Office sa mga residente na ayaw maniwala na may Covid 19 at kung ano ang mangyayari sa kanila kung kapitan sila ng virus.
Sa ngayon, hindi pa batid kung saan nagsimula ang virus pero sinabi ni Bernalte ang nakaramdam ng sintomas ng sakit ay dumalo sa pagtitipon kung kayat mabilis itong kumalat.