-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Marami nang residente sa isang barangay sa Tagoloan, Misamis Oriental ang nagkasakit dahil sa tinapong mga basura mula sa South Korea na hanggang ngayon ay hindi pa nakukuha.

Ito ang kinompirma sa Bombo Radyo ni Mindanao International Container Port Terminal John Simon.

Sinabi ni Simon na nagkasakit ang mga residente ng Sitio Bugwak, Barangay Sta. Cruz, Tagoloan dahil sa sobrang baho at toxic mula sa tone-toneladang basura na isang taon nang nakatengga sa kanilang lugar.

Aniya, maliban sa masamang epekto sa kalusugan na nakukuha mula sa mga basura, sinira rin nito ang kalikasan, lalong-lalo na’t hindi na mataniman ng mamamayan ang lupang tinambakan ng mga basura.

Ito ang dahilan kung kaya’t gusto ni Simon na mahuli ang makulong ang tatlong opisyal ng Verde Soko Philippines na siyang responsable sa pagtapon ng mga basura sa Misamis Oriental.