-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Inamin ng pamunuan ng Barangay Mabini, Santiago City na nakakakaranas ng diskriminasyon ang ilang reaidente sa nabanggit na lugar .

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Barangay Kapitan Agapito Castillo ng Mabini, Santiago City, sinabi niya na kasunod sa pagkakatala nila ng nagpositibo sa COVID 19 virus na isang 63 anyos na lola ay nakakaranas ng diskriminasyon ang ilan sa kanilang kabarangay.

Ayon pa sa punong barangay, tila may pag-aalinlangan ang ilang establishimento at ilang vendors sa pamilihang lungsod na papasukin ang kanilang mga costomer na mula sa barangay Mabini.

Pansamantalang itinigil din ang kanilang pamamahagi ng GCQ pass upang malimitahan ang mga lumalabas sa kanilang tahanan at inatasan na lamang ng mga opisyal ng barangay ang mga Barangay Police na bumili ng mga pangangailangan ng kanilang mga residente .

Nakiusap naman si barangay Kapitan Castillo sa mga namumuno ng establisyemento na huwag silang pandirihan dahil lahat naman anya ay apektado ng COVID at hindi naman kasalanan ng nagpositibo sa COVID 19 na makapitan ng virus.

Pinayuhan din niya ang kanyang mga kabarangay na manatili na lamang sa loob ng kanilang tahanan kung wala mahalagang pupuntahan.

Hiniling din nito ang pakikipagtulungan ng kanyang mga kabarangay na magmanman sa mga posibleng indibidwal na nakapuslit para makauwi sa Lunsod para maisailalim sa tamang proseso o quarantine.