Pabor ang mga local residents ng Marawi na palawigin pa ang Martial Law sa kanilang lugar.
Ayon kay Joint Task Force Ranao Commander Col. Romeo Brawner na malaki ang epekto sa baba lalo na sa ground sakaling palawigin pa ang Martial Law sa Mindanao.
Paliwanag ni Brawner na malaking tulong din ito lalo na sa pag kontril sa pagpasok ng mga tao sa Marawi.
Aniya, tanging ang mga residente lamang ang makakabalik sa Marawi.
Giit pa ni Brawner na epektibo ang Martial Law sa baba dahil batay sa pahayag ng mga residente dahil mas ligtas ang kanilang nararamdaman kapag umiiral ang batas militar.
Dagdag pa ni Brawner na malugod na tinatanggap ng mga operating units sa ground ang posibleng extention sa Batas Militar.
” Yung dito sa baba very effective ang Martial Law, narinig ko sa mga kausap namin na gusto nila maextend, yung mga local residents they feel safer, ito nga katabi ko si mayor kasasabi lang nya na okay sa kanila ang Martial Law because it will make them safer and its easier to track them, and to track down on them,” wika ni Brawner.