Pinag-iingat ngayon sa bantang dulot ng dengue ang mga residenteng nakatira sa mga binabahang lugar sa Marikina City.
Ito ay alinsunod sa Proclamation No. 1204 na inilabas noong taong 1998 na nagtuturing sa buwan ng Hunyo bilang Dengue Prevention Month.
Batay sa datos ng DOH, tumaas ng 94% ang mga kaso ng dengue sa unang bahagi ng taong ito kumpara sa parehong panahon noong nakalipas na taon.
Umabot sa 27,670 ang kaso ng dengue mula Enero 1 hanggang Marso 18, 2023.
Ang kabuuang kaso ng dengue para sa Enero 1 hanggang Marso 18, 2022 sa kabilang banda ay umabot lamang sa 14,278.
Dahil dito ay nagpaalala naman ang ahensya sa publiko na panatilihing malinis ang paligid upang maiwasan ang pagdami ng lamok.
Bukod kasi sa perwisyong dulot ng baha ay dapat ding isaalang-alang ng mga residente ang pinsalang dulot ng mga tubig-baha dahil maaari itong magsilbing breeding ground o pangitlugan ng mga lamok na nagdadala ng virus at maaaring magdulot ng dengue infection.
Anila, bagama’t nakatulong ang isinagawang dredging ng Marikina River upang mabawasan ang pagbaha sa lugar at kinakailangan pa ring mag-ingat ng mga residente dahil sa dengue.
Kaugnay nito ay nagpaalala ang DOH sa publiko na obserbahan ang 4s strategy laban sa dengue o ang.. :
– Search and destroy mosquito-breeding sites
– Secure self-protection measures
– Seek early consultation
– Support fogging and spraying