KORONADAL CITY – Pinapatigil ng mga residente sa isang county sa Michigan ang pagbibilang ng boto dahil umano sa ilang mga anomalya.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Bombo international correspondent Samantha McLaughlin ng Michigan at tubong-Koronadal City, inirereklamo kasi ng mga residente ng Macomb County ang bigla umanong pagdami ng boto ni Democratic nominee Joe Biden ng mahigit 180,000 laban kay Republican president Donald Trump mula alas 2:30 hanggang alas 4:00 ng umaga.
Nakakapagtaka ring dumami ang mga na-cast na boto na umabot sa mahigit 3.2 milyon lamang gayung nasa 3.1 milyon lamang ang mga rehistrado na mga botante.
Dagdag ni Mclaughlin, inirereklamo rin ng mga poll watchers ng Republican party na hindi sila pinapalapit sa mga polling stations upang matiyak na walang dayaang mangyayari.
Nasa 20-30 talampakan umano ang layo ng mga ito sa mga polling stations.