NAGA CITY- Hindi napigilan ng mga residente ng lungsod ng Naga na mabigla at mamangha sa isinagawang 24-hours simulation excercises ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management at Naga City Disaster Risk Reduction and Management nitong Miyerkules ng hapon.
Ang naturang aktibidad ang bahagi ng paghahanda ng response team ng Camarines Sur at Naga City sa Taguig City at Pateros sakaling tumama ang 7.2 Magnitude quake o ‘The Big One’.
Sa naturang aktibidad, makikita ang tila makatutuhanang pagresponde ng rescue team ng CamSur sa Naga City na tumatayo bilang Taguig City kung saan makikita ang mga ambulansya, iba’t ibang rescue group maging ang mga helicopter na makikitang abala sa kanilang ginagawang aerial survey.
Maliban dito, may mga nagsilbing biktima din na isnugod sa iba’t ibang ospital sa lungsod.
Samantala, sa Naga River naman abala rin ang pagresponde ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard kung saan ipinapakita rito ang gagawing aksyon sakaling may lumubog na mga sasakyang pandagat.
Ang naturang aktibidad ang tatagal hanggang bukas ng hapon habang ngayogn gabi naman ayon sa mga otoridad ay mas magigin abala at mabigat ang gagawing mga aktibidad.