-- Advertisements --

Lumikas sa kanilang kabahayan ang ilang libong katao sa northern Queensland, Australia dahil sa nararanasang matinding pagbaha.

Nagresulta sa pag-apaw ng tubig mula sa ilog dahil sa ilang araw na malalakas na pag-ulan doon.

Sinabi ni Queensland State Premier David Crisafulli, na sa mga susunod na araw ay makakaranas ang mga ito ng matinding pagbaha.

Nagtala ng isang katao ang nasawi kung saan nadaganan ng natumbang punong kahoy ang isang matandang babae habang naglalakad.

Itinuturing na rin ng meteorologist na ito na ang pinakamatinding pagbaha na naranasan sa nasabing lugar.