-- Advertisements --

NAGA CITY- Nakahinga ng maluwag ang mga residente sa Okinawa, Japan matapos na lumihis ang bagyong Haishen sa ibang direksyon.

Una kasing naitala na tutumbukin sana ng nasabing bagyo ang Okinawa ngunit bigla itong nag-iba ng direksyon kung saan ang Kagoshima Prefecture ang tinahak nito.

Sa report ni Bombo International Correspondent Rochelle Lingco, mula sa Okinawa, sinabi nito na labis ang pasasalamat ng mga residente dahil bagamat nakahanda naman aniya sila, ngunit hindi maiwasang makaramdam ng takot lalo na at itinuturing itong super typhoon.

Ngunit ikinalulungkot naman umano nila ang pananalasa nito sa karatig probinsya.

Samanatala sa kabila nito, ilang araw bago pa umano ang pananalasa ng nasabing bagyo, mahigpit ang ginawang pagpapaalala ng Japan Government sa kanilang mga nasasakupan.