-- Advertisements --

Pinayuhan ngayon ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office ang mga residente ng QC na magsuot ng face mask kapag lalabas ng bahay.

Ito ay dahil na rin sa ‘unhealthy’ na kalidad ng hangin sa ilang lugar sa lungsod.

Ayon sa Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office, ang hindi magandang kalidad ng hangin ay maaaring maging sanhi ng respiratory conditions.

Giit ng ahensya na ang pagsusuot ng face mask ay makatutulong para maprotektahan ang kalusugan .

Batay sa air quality map ng ahensya, tinukoy nito ang mga lugar na may “very unhealthy” air quality.

Kinabibilangan ito ng Maligaya Elementary School, Kaligayahan Elementary School, Lagro High School, Susano Road , Payatas Controlled Disposal Facility.

Kabilang naman sa mga lugar na may air quality na ‘unhealthy for sensitive groups’ ay ang Novaliches Wet and Dry MarketP. Dela Cruz Street, Korphil Quezon City University, Pearl Drive Footbridge, Payatas Super Health Center, Quirino Highway cor. Mindanao Ave., Tandang Sora Brgy. Hall Footbridge, Brgy. Sauyo Baluyot Satellite Hall, FEU Diliman at Jose Rizal High School.