-- Advertisements --

LAOAG CITY – Inihayag ni Bombo International Correspondent Chester Naungayan Corpuz , tubo sa Santiago Ilocos Sur pero kasalukuyang nagtrabtrabaho bilang nursing assistant sa Malaga, Spain na pinapayagan ng lumabas ang mga residente mula sa kanilang tahanan.

Ayon kay Corpuz, may oras na ibinigay ang gobyerno para sa paglabas ng mga residente.

Aniya, ang mga may edad na ay dapat lamang na lumabas sa mula alas-sais ng umaga hanggang alas diyes samantalanag mapapayagan lamang na lumabas ang mga senior citizen mula alas diyes hanggang alas dose ng tanghali.

Samantala, inihayag ni Corpuz na magtatapos ang lockdown sa nasabing lugar sa darating na Mayo 9, magbubukas ang maliliit na shops sa Mayo 11 at inaasahang magbubukas ang malalaking establisyimento sa Mayo 25.

Sinabi ni Corpuz na hindi nagkukulang ang suplay ng essential goods at patuloy ang implementasyon ng mga health protocols.

Sa ngayon, umabot na 245,000 ang kumpirmadong kaso ng covid-19 sa Spain at 25,000 dito ang mga namatay.