-- Advertisements --

LAOAG CITY – Ipinaalam ni Jun De Dios, Bombo International News Correspondent sa Taiwan, na hindi kailangang mag-panic buying ang mga residente dahil handa ang kanilang kumpanya at pamahalaan na magbigay ng tulong bago pa man tumama ang Bagyong Kong-rey o Bagyong Leon.

Ayon sa kanya, may mga tulong na ibinibigay ang gobyerno at kanilang mga kumpanya bago tumama ang bagyo dahil bawal silang lumabas ng kanilang mga tahanan sa panahon ng bagyo.

Pinayuhan aniya silang huwag na munang pumasok sa kanilang mga trabaho matapos masuspinde ang mga pasok ng mga ito sa kanilang lugar para paghandaan ang pananalasa ng bagyo.

Dagdag pa niya, kahit hindi sila pumasok sa trabaho dahil sa sakuna, binabayadan parin ng kumpanya ang kanilang mga suweldo.

Samantala, nakahanda aniya ang kanilang gobyerno at mga residente sa mga lugar na maaaring direktang maapektuhan ng bagyo para matiyak ang kaligtasan ng lahat.