-- Advertisements --
image 773

Nakabalik na sa kanilang mga tahanan ang mga residenteng biktima ng malakihang sunog sa bahagi ng Valezuela City.

Ito ay matapos ang inilabas na clearance ng Bureau of Fire Protection – Valenzuela matapos makumpirmang ligtas nang muling balikan ang mga bahay na malapit sa pinangyarihang sunog sa lugar.

Sa datos, aabot sa 218 pamilya o 819 katao ang kinailangang ilikas sa mga evacuation centers dahil sa banta ng sumiklab na industrial fire sa Herco Trading sa G. Molina, Brgy. Bagbaguin, Valenzuela City.

Walong bumbero at isang sibilyan naman ang nagtamo ng bahagyang pinsala nang dahil sa sunog.

Matatandaang idineklarang “fire under control” ang nasabing sunog bandang ala-5:37 ng hapon kahapon na tumagal ng hanggang mahigit 24 oras.