-- Advertisements --

Ilang pamilya ang pinalikas sa Marikina City dahil sa pagtaas ng tubig sa Marikina River.

Bunsod umano ito ng pag-ulan sa nakalipas na magdamag dahil sa low pressure area (LPA).

Nabatid na umabot sa mahigit 16 meters ang taas ng tubig sa ilog, na nangangahulugan na kailangang lumikas ang mga nasa mabababang lugar.

Kung patuloy na uulan, mapipilitan ang mga lokal na opisyal na gawing sapilitan ang pagpapalikas sa kanilang mga kababayan.

Batay sa patakaran ng Marikina City, kapag umabot ang water level sa 15 meters, kailangan nang maghanda ng mga residente; 16 meters para sa paglikas at 18 meters para sa forced evacuation.