VIGAN CITY – Libreng pinapauwi ng gobyerno ng malta ang mga taong gusto makabalik sa kaninilang bansa kahit pa umano mababa ang bilang ng mga taong tinamaan ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Glenda Tano Laurente, isang OFWs sa Malta, sinabi nitong mayroon umanong repatriation program ang gobyerno ng Malta at kailangan lamang makipag-ugnayan sa mga kinauukulan ang mga taong gustong umuwi sa kanilang sariling bansa upang makakuha ng libreng ticket para makauwi.
Hindin din umano sila pinapabayaan ng gobyerno kung saan ang mga ayuda o tulong ay ipinapadaan sa kanilang kumpanya ganun din ang pilipino community na tumutulong sa pagbibigay ng relief goods lalo na sa mga OFWs na kararating lang sa nasabing bansa.
Sa ngayon may apat na raan apatnapot pitong kaso ng coronavirus sa malta at tatlo dito ang namatay at 223 ang nakarekobre.