GENERAL SANTOS CITY – Pinagbawalan muna ng Mines and Geosciences Bureau (MGB)-12 na mapasok ang claja river sa Barangay Conel nitong lungsod.
Sa exclusive interview sa Bombo Radyo GenSan kay Ariel Austin Acosta ng MGB-12, sinabi nito na nasa mahigit isang kilometro ang gumuhong lupa habang nasa 40 metro ang lalim ng tubig na-stock matapos matabunan ng lupa.
Dagdag nito na apat ang pinagmulan ng tubig kung saan magtitipon sa Klaja River ang water shed area nitong lungsod.
Kung mangyari man aniya na makawala ang tubig dahil sa malakas na buhos ay magkakaroon ng flash floods at tatamaan ang mga barangay ng Conel, Olympog, Tinagacan, Katangawan, Balu-an at Buayan.
Kaugnay nito, kailangan umanong maglagay ng monitoring team para bantayan ang galaw habang tumataas ang tubig habang kailangan ding ilayo ang mga residente na nakatira sa gilid ng sapa.
Napabalik-tanaw ito na dekada ’90 nang may nangyaring landslide sa lugar at naulit makalipas ang mahigit 20 taon.
Nabatid na personal na pinuntahan ng MGB-12 ang lugar para makita ang sitwasyon.