Nanawagan ang grupo ng mga retiradong sundalo at mga kapulisan sa mga government officials ng bansa magkaisa laban sa patuloy na pananakop ng China sa West Philippine Sea.
Sa kalatas na inilabas ng Advocates for National Interest (ANI) na pinamumunuan ni retired general Edilberto Adan, na dapat tanggalin ng mga lider ng bansa ang anumang political agenda at parochal interests.
Dapat na ang hindi pagkakaunawaan sa China ay magsilbi para magkaisa ang lahat at hindi ang pagkakawatak-watak ng bansa.
Marapat na pumanig ang mga opisyal ng gobyerno sa mga mamamayan nito sa pagkondina sa ginagawa ng China.
Iginiit ng grupo na hindi sagot ang giyera sa ginagawa ng China at hindi rin aniya nag-iisa ang bansa dahil sa may mga kaalyadong bansa ang Pilipinas.