Nanawagan na ang mga pangunahing shipping groups sa mundo na dapat gumalaw na ang mga bansa para mapigilan ang pag-atake ng mga Houthi rebels sa Red Sea.
Kasunod ito sa pagpapalubog ng mga Houthis ng cargo ship na ikinasawi ng tatlong seafarers.
Ayon sa ilang shipping associations kabilang na ang International Chamber of Shipping at World Shipping Council, na lubhang nakakadismaya na may nasasawing mga seafarers na ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho.
Mahalaga na ang mga maimpluwensiyang mga bansa na magbantay sa mga lugar kung saan umaatake ang mga Houthi Rebels.
Mula kasi noong nakaraang taon ay naging pahirap din sa mga cargo vessels dahil sa mas pinahaba ang kanilang iniikutang ruta para makaiwas sa pag-atake ng mga Houthi rebels.
Magugunitang noong Marso ay pinalubog ng mga Houthis ang British-registered vessel na Rubymar gamit ang mga ballistic missiles at nitong mga nakaraang araw lamang ay pinalubog nila ang MV Tutor.