Nabigo ang mga komunistang New People’s Army sa kanilang plano na i-terrorize ang mga komunidad sa lalawigan ng Camarines Norte kasunod ng pagkakadiskubre ng militar ng limang drum ng mga sangkap na ginagamit sa paggawa ng bomba.
Ayon sa Army’s 2nd Infantry Division, ilang sibilyan ang nagbigan sa kanila ng lokasyon kung nasaan ang mga gamit na ginagamit sa paggawa ng mga improvised explosive device at tinukoy ito na sa Barangay Exciban sa bayan ng Labo.
Karamihan sa mga sangkap na narekober ay ammonium nitrate na nahukay ng mga tauhan mula sa 16th at 85th infantry battalion ng Army at ng lokal na PNP.
Sinabi naman ng tagapagsalita ng 2nd ID na si Lt. Col. Jeffrex Molina, kasama rin sa mga sangkap ng bomba ang mga detonating cord at blasting caps.
Sa isang pahayag, sinabi ng 2nd ID na ang “napapanahong pagbawi” ng mga materyales na ito ay “nagpipigil sa mga plano ng mga rebelde na takutin ang mga komunidad sa lugar.”
Sinabi ni Molina na ang mga rebelde ay nagpaplanong maghasik ng lagim sa lalawigan upang magpakita ng lakas.
Magulo aniya ang NPA sa lalawigan at mababa na ang moral ng mga tropa nito.
Tumanggi naman na si Molina na ipaliwanag ang mga target ng mga rebelde.