-- Advertisements --

Kinalampag ng isang kongresista ang Department of Justice (DOJ) na sampahan na ng kaso ang mga opisyal at tauhan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na dawit sa isyu ng fraudulent dialysis claims.

Sa isang statement, sinabi ni Senior Citizen Party-list Rep. Francisco Datol na economic sabotage through large-scale estafa ang ikakaso sa mga sangkot sa isyu na ito.

Pero kailangan aniya tiyakin ng DOJ na malakas ang kasong kriminal laban sa mga may kinalaman sa P154 billion na maanomalyang claims upang matiyak ang pagkakakulong ng mga ito.

Ayon sa kongresista, posibleng “tip of the iceberg” o pauna lamang ang nabunyag na isyu na ito.