Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority na tumaas ang bilang ng mga sasakyang dumadaan sa Katipunan Avenue sa Quezon City.
Ito ay naitala ng ahensya ng magsimula ang balik eskwela.
Ngayong araw ay binisita ng MMDA ang naturang daan upang makita ang kalagayan ng trapiko sa lugar tuwing rush hours.
At batay aniya sa kanilang pag-iikot at dumarami ang bilang ng sasakyang tuwing umaga.
Ayon kay MMDA General Manager Procopio Lipana sa kabila ng traffic congestion at pinag-aaralan pa rin nila kung paano ito mababawasan tuwing rush hour.
Nakatakda rin gumawa ang ahensya ng adjustment sa traffic management team sa naturang lugar.
Sa datos ng MMDA, 32% ang itinaas sa bilang ng mga sasakyan sa Kapunan Avenue tuwing rush hours noong Mayo.
Umabot naman ito sa 6,636 ang bilang ng mga sasakyan para sa buwan Agosto ng taong ito.
Sumipa na rin sa 5,697 ang mga sasakyan na dumadaan sa naturang kalsada tuwing afternoong rush na dati ay 4,306 lamang noong buwan ng Mayo.
Isa sa mga tinutukoy na dahilan ng ahensya kung bakit siksikan ang mga sasakyan dahil pumapasok na ang mga mag-aaral sa dalawang malaking paaralan sa Katipunan Avenue.
Dadagdagan rin ng MMDA ang mga tauhan nito sa lugar upang makatulong sa pagmamando ng trapiko sa lugar.