Nananatiling kumpleto ang mga sasakyan ni Pastor Apollo Quiboloy sa kanilang compound sa Davao.
Ito ang iniulat ng National Bureau of Investigation (NBI), matapos ang kanilang pagtungo sa naturang lugar upang isilbi ang warrant of arrest laban kay Quiboloy.
Naroon umano ang helicopter, mga kotse at iba pa.
Gayunman, inamin ng mga operatiba na hindi garantiya na hindi nga umalis sa rehiyon ang “self-proclaimed son of god.”
Pero kung kanilang mahahanap ang pastor, itu-turn over ito sa Senado kahit magbayad ng piyansa sa mga kinakaharap niyang kaso sa hukuman.
Magugunitang nag-issue ng warrant of arrest ang Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality dahil sa mga alegasyong exploitation, sexual at child abuse na idinulog ng mga dati nitong miyembro.