-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Pinayagan ng maglayag ng Philippine Coast Guard (PCG- Eastern Visayas) ang lahat na mga sasakyan pandagat na una munang na-stranded dahil sa masamang panahon na epekto ng Bagyong Ulysses.

Ayon kay Lt Commander Paterno Belarmino, Station Commander PCG- Northern Samar, banda alas 5 ng umaga ng Huwebes ng payagan ng makabiyahe papuntang matnog port ang mga sasakyan pandagat na nastranded sa pantalan ng Allen, Northern Samar.

Nilinaw nito na wala ng mga stranded na mga pasahero at sasakyan sa mga pantalan sa Samar at Southern Leyte.

Una dito nang umabot sa tatlong araw na stranded ang daan-daan na mga pasahero.