-- Advertisements --

Nabawasan ang bilang ng mga sasakyang bumabaybay sa kahabaan ng EDSA sa Metro Manila ngayon ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sa gitna ito ng ilang linggong sunud-sunod na pagpapatupad ng malakihang taas-presyo sa produktong petrolyo ngayong taon.

Ayon kay MMDA director Neomi Recio, bumaba sa 372,000 mula sa dating 396,000 ang daily volume ng mga sasakyan sa EDSA.

Paliwanag niya, epekto daw ito ng mataas na presyo ng gas dahilan kung bakit hindi masyadong lumalabas ang mga tao.

Samantala, sinabi naman ng opisyal na sa ngayon ay hindi pa rin nakakamit ng bansa ang pre-pandemic level na dami ng mga sasakyang bumabaybay sa EDSA kahit na naibaba na sa Alert Level 1.