-- Advertisements --

ZAMBOANGA CITY – Suspendido rin ang mga klase sa lahat ng antas sa Zamboanga City.

Ito’y matapos maapektuhan ang ilang barangay sa nasabing lungsod dahil sa pananalasa ng Tropical Depression Marilyn partikular na ang mga nakatira sa mga low lying areas at ilog.

Sa inilabas na advisory ng Zamboanga-City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), nakaantabay na ang mga rescue operations sa mga lugar na apektado ng baha.

Kabilang sa mga naka-standby para sa rescue operations ay ang Philippine Coast Guard, Philippine National Police Mobile Group, Task Force Zamboanga at ibang agencies ng City DRRM Council.

Pinapayuhan naman ng mga otoridad ang mga residente na nakatira malapit sa mga riverbanks at mga low lying areas na lumipat muna sa matataas na lugar habang malakas pa ang ulan.

Samantala, temporaryong sinuspende ng Coast Guard ang mga biyahe ng mga sasakyang pandagat papuntang Basilan dahil na rin sa nararanasang unstable weather condition.