-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Umaapela na ng tulong sa lokal na pamahalaan ng South Cotabato at sa mga pulis ang mahigit 20 indibidwal na nabiktima ng panloloko mula sa isang organisadong sindikatong grupo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay alyas Mark, isa sa mga nabiktima ng naturang scam, nakatakda silang magtitipon sa harap ng South Cotabato Provincial Government sa araw ng Lunes alas-8:00 ng araw upang ipanawagan ang tulong ng gobyerno at mga otoridad upang maibalik ang perang nakulimbat ng mga suspek.

Aniya, pursigido silang magsampa ng kasong syndicated estafa laban sa mga pasimuno at mga miyembro ng naturang grupo dahil hindi na sila naniniwala sa mga pangako ng mga suspek na babayaran na umano sila ngunit napapako naman kinalaunan.

Nabatid na kinukumbinsi umano sila ng mga suspek na huwag ipursige na isampa ang kaso dahil babayaran daw umano nila ang perang kinuha sa kanila.