-- Advertisements --
text scam

Ibinunyag ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na kumita ng milyon-milyong dolyar mula sa network subscribers ang mga scammer sa bansa.

Ito ‘yung mga nag-click sa mga malisyosong link at nagbibigay ng sensitibong impormasyon.

Kinumpirma ng isang opisyal ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na malapit nang matapos at kanila nang ilalabas ang imbestigasyon sa pinagmulan ng text scam.

Base sa natuklasan ni Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) deputy executive director Mary Rose Magsaysay, ang mga text scam ay nakapagnakaw ng milyun-milyong dolyar mula sa mga Pilipinong naging biktima ng kanilang modus operandi.

Dagdag pa, sinabi ni Magsaysay na kinumpirma ng imbestigasyon ng grupo ang natuklasan ng telco giant na PLDT Inc. na ang mga messaging scam na may personalized na mga detalye ay nagmula sa mga foreign sources.

Idinagdag niya na ang mga local cohorts ay kumukuha ng mga foreign syndicates upang tulungan sila sa mga mapanlinlang na gawain.